NATIONAL BUDGET | Budget hearing sa Senado, tuloy!

48

Manila, Philippines – Itutuloy ng senate finance committee ang mga nakatakda nitong pagdinig sa panukalang 2019 national budget.

Ito ay sa kabila ng pagsuspinde ng Kamara sa kanilang deliberasyon hinggil dito.

Ayon kay Committee Chairperson, Senator Loren Legarda, hindi mapupurnada sa kanila ang budget hearings at handa nilang dinggin ang general appropriations bill.

Positibo si Legarda na maayos din ng Mababang Kapulungan ang gusot nito.

Sabi naman ni Senator Chiz Escudero, nirerespeto nila ang desisyon ng Kamara habang nagpahayag din sila ng pag-alala sa plano ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin sa ‘cash-based budgeting’ ang sistema ng paggastos sa pambansang pondo.

Facebook Comments