National budget, hindi na maaakusahan ng insertions ayon sa isang senador

Tiwala si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hindi maaakusahan ng insertions ang 2026 national budget.

Pagbibida ng senador, lahat ng amyenda, dagdag, tapyas at paglilipat ng pondo para sa mga proyekto at programa ng mga ahensya ng gobyerno ay ginagawa nila mismo sa plenaryo.

Sinisiguro ni Zubiri na transparent ang kanilang sistema sa pag-amyenda.

Sinabi pa ni Zubiri na “first time” itong ginawa sa budget process ng Senado dahil noon ay iniaabot lang ng mga senador sa Finance Committee Chairman ang listahan ng kanilang mga amendment at hindi na nalalaman ng publiko ang detalyeng ito.

Sinegundahan ito ni Senator Sherwin Gatchalian at aniya hindi lamang bukas sa publiko ang mga amendments kundi mayroon ding supporting documents bakit kailangan ang amyenda.

Tiniyak ng dalawang mambabatas na hanggang sa bicameral conference committee ay dadalhin nila ang transparency hanggang sa tuluyang mapagtibay ang national budget.

Facebook Comments