NATIONAL BUDGET | Mayorya, iaapela ang bagong budget system sa ehekutibo

Manila, Philippines – Nangangamba ang mga kongresista sa bagong paraan ng paggamit ng pambansang pondo sa susunod na taon na pinaiiral ngayon ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ito ang sentimyento ng mga mambabatas sa ginawang caucus kung saan nais ng mga kongresista na ibalik sa Malacañang ang P3.757 trillion 2019 propose national budget o kaya naman ay i-overhaul ito ng Kamara.

Ayon kay Andaya, sa cash-based budgeting system, kailangang gastusin ng bawat ahensiya ang kanilang pondo sa loob lamang ng isang taon, malayo ito sa dating obligation-based budgeting kung saan maaaring gumastos ang ahensiya para sa mga proyekto at bayaran sa susunod na taon.


Sinabi ng mambabatas na nangangamba ang mga kongresista na makaapekto ito lalo na sa matagalang mga proyekto.

Nababahala din ang mga kongresista dahil maraming mga ahensya ang binawasan ng pondo sa 2019.

Dahil dito, plano ng liderato ng Kamara na makipag-usap sa ehekutibo para maging malinaw ang bagong budget system.

Facebook Comments