National budget, papasa sa takdang panahon kahit naghahanda sa 2022 elections ang ilang senador

Tiniyak ni Senador Panfilo Lacson sa publiko na ipapasa ng Senado sa takdang panahon ang pambansang pondo para sa susunod na taon, kahit pa masabay ito sa kanilang paghahanda para sa 2022 elections.

Pahayag ito ni Lacson kasunod ng naunang deklarasyon ng pagsabak sa 2022 presidential elections ka-tandem ni Senate President Tito Sotto III habang ilan pang kasamahan ang kakandidato rin.

Ayon kay Lacson, gagawin niya at ng kanyang mga kasamahan sa Senado ang kanilang tungkulin na busisiin ang national budget at aprubahan ito bago mag-break ang sesyon sa Disyembre.


Sabi ni Lacson, kabilang pangunahin nilang bubusisiin sa pagtalakay ng budget ay kung bakit mas malaki sa budget deficit ang mga halagang inuutang ng ating pamahalaan.

Binanggit din ni Lacson na kanilang hihimayin ang gastos ng gobyerno sa pagbili ng COVID-19 vaccines upang matiyak na nagagamit nang tama ang limitadong pondo at hindi masayang ang bahagi nito.

Muli ring iginiit ni Lacson ang kanyang panawagan sa zero-based budgeting approach na katulad sa ginagawa sa pagpapatakbo ng mga pribadong korporasyon.

Facebook Comments