Pipirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang national budget para sa susunod na taon.
Nakatakda ang ceremonial signing mamayang 3:30 ng hapon sa Ceremonial Hall ng Palasyo ng Malacañang.
Aabot ito sa 5.768 trillion pesos na mas mataas ng siyam na punto limang porsiyento kumpara sa 5.268 trillion pesos budget ngayong taon.
Inaasahang sasaksihan ng mga lider ng dalawang mataas na kapulungan ang gagawing paglagda ni Pangulong Marcos ng national budget para sa 2024.
Ito ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez kasama ang ilang kongresista at mga senador.
Ang pondo para sa susunod na taon ay nakabatay sa temang “Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy,” at sumusuporta sa Philippine Development Plan 2023-2028.