NATIONAL BUDGET | Sec. Diokno, haharap sa ‘question hour’ sa Kamara

Manila, Philippines – Pinahaharap ng Kamara si Budget Secretary Benjamin Diokno sa ‘question hour’ kaugnay ng 2019 National budget.

Nakatakdang gawin ito bukas, December 11.

Sa pamamagitan ng isang house resolution, ipinag-utos ni House Minority Leader Danilo Suarez na isailalim ang kalihim sa isang question and answer portion kung saan maaring tanungin ng mga mambabatas si Diokno ukol sa panukalang budget.


Naipadala na kay Diokno ang imbitasyon gayundin ang mga posibleng tanong sa kanya.

Nabatid na naghayag ng ilang concern si Suarez at ilang miyembro ng minorya ukol dito.

Facebook Comments