Manila, Philippines – Umaasa si Senator JV Ejercito na mapaplantsa na ng mga kongresista ang anumang hindi pagkakaunawaan kaugnay sa panukalang 2019 national budget.
Pahayag ito ni Ejercito kasunod ng balitang nagkaroon ng matinding pagtatalo ang ilang mambabatas sa Kamara dahil umano sa mga insertions sa 2019 budgets.
Sabi ni Ejericto, sana ay hindi totoo ang mga hinala na pork barrel ang ugat ng sigalot sa pagitan ng ilang kongresista.
Paliwanag ni Ejercito, hindi makakagalaw ang Senado at hindi maipapasa ang pambansang budget kung mabibinbin ito sa Kamara.
Diin ni Ejercito, mahalagang maipasa sa takdang panahon ang budget upang hindi maging reenacted ang budget para sa susunod na taon.
Tiniyak din ni Ejercito na hindi ito mangyayari sa mataas na kapulungan dahil silang mga senador ay sensitibo sa pulso ng mamamayan.