MANILA – May malinaw ng lead ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kinaroroonan ng dating driver ni Senator Leila De Lima na si Ronnie Dayan.Sa imbestigasyon ng Sub-Committee on Correctional Reforms, sinabi ni NBI Deputy Director Francis Lavin na may impormasyon na sila kay Dayan.Pero sinabi nito na hindi lamang nila maidedetalye sa mga kongresista ang kanilang operational procedure at hawak na lead dahil ayaw nilang masunog ang kanilang operasyon.Ayon kay Lavin, ayaw din nilang makompromiso ang kaligtasan ng kanilang impormante na tumutulong sa pagtunton kay Dayan.Mayroon na rin silang mga team na itinalaga sa iba’t ibang parte ng bansa para matunton ang kinaroroonan ng dating driver lover ni Senator Leila De Lima.Ngunit hinala din ni Lavin na sila ding mga otoridad ay binabantayan din ni Dayan.Sa panig ng Philippine National Police (PNP), sinabi ni Director Benjamin Magalong na wala pa silang natatanggap na significant information sa kinaroroonan ni Dayan.Dalawang beses umanong nag-operate ang mga pulis sa Urbiztondo sa Pangasinan at kalapit na lugar pero parehong negatibo ang resulta nito.Ang Sgt-at-Arms naman ng kamara ay patuloy ang pakikipag ugnayan sa mga otoridad at binigyan pa ng pondo ng house committee on accounts para sa pagtunton kay Dayan.
National Bureau Of Investigation, May Lead Na Sa Kinaroroonan Ng Umano’Y Bagman Ni De Lima Na Si Ronnie Dayan
Facebook Comments