MANILA – Nagbabala ang National Bureau of Investigation (NBI) sa lahat ng mga netizens na kumuha ng kopya ng nag-leak na data ng mga botante mula sa Commission on Elections (Comelec).Una nang lumabas ang website na “Pilipinas, We Have Your Data,” kung saan makikita ang mga personal na impormasyon ng mga botante tulad ng buong address, petsa at lugar ng kapanganakan at kung saan ito rehistrado.Ayon kay NBI Dir. Virgilio Mendez, sinuman ang mahuli at mapatunayang nag-upload o nag-download ng kopya nito ay papanagutin sa batas.Itinanggi naman ng malakanyang na isa sila sa uma-access at lalo pang nagkakalat ng nasabing data.Kaugnay nito… Tiniyak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang dapat ikabahala ang publiko sa posibilidad na mapasok ng mga hackers ang kanilang database kung saan posibleng makuha ang mahahalagang impormasyon ng mga taxpayers.Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, matibay ang mga security measures na nakalatag sa ahensya para matiyak na hindi mapapasok ng mga cyberattackers ang kanilang database.Ipinaliwanag niya na noong nakaraang taon, mismong ang mga taxpayers ang nahirapang makapasok sa kanilang website para sa e-filing ng Income Tax Returns.
National Bureau Of Investigation (Nbi), Kakasuhan Ang Sinumang Nag-Download O Nag-Upload Ng Nag-Leak Na Data Ng Mga Bota
Facebook Comments