Muling ipinagpatuloy ng Comelec ang session ng National Board of Canvassers para sa pagka-senador at party-list.
Kabilang sa present ngayon sa canvassing sina Comelec Chairman Sherrif Abas at Commissioners Socorro Inting, Marlon Casquejo at Antonio Kho Jr.
Alas-diyes sana kaninang umaga ang schedule ng national canvassing subalit naantala ito ay mag-a-alas dos na ngayong hapon nang ipagpatuloy ito.
Tinukoy naman ng Board ang labing dalawang Certificates of Canvass na kanilang tinanggap via electronic transmission.
Ang mga ito ay mula sa:
Misamis Oriental
Canada
Sulu
Davao Oriental
Surigao Del Norte
UAE
Davao Del Sur
Batangas
Rizal
Pampanga
Ccompostela Valley
Negros Occidental
Samantala, patuloy ang pagdating dito sa PICC ng mga tauhan ng Comelec mula sa iba’t-ibang lalawigan bitbit ang mga selyadong ballot boxes na may laman na election returns.
Patuloy naman ang mahigpit na seguridad na pinaiiral ngayon sa paligid ng PICC at sa mga pumapasok sa loob ng PICC Forum area kung saan ginagawa ang canvassing.
Kasunod na rin ito ng pagsugod kanina ng iba’t-ibang grupo na kumukuwestiyon sa integridad ng halalan at humihirit ng postponement ng proklamasyon ng mga nanalong kandidato.