National Capital Region Joint Task Force, nagpakalat ng karagdagang tauhan sa Metro Manila

Manila, Philippines – Nagposte ng dagdag na mga tauhan ang National Capital Region Joint Task Force ng Armed Forces of the Philippines sa Metro Manila.

Ito ay bilang tulong ng militar sa puwersa ng National Capital Region Police Office.

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, ipinakalat ang augmentation force matapos pumutok ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group sa Marawi City at ang naganap na insidente sa Resorts World Manila kahapon.


Sabi pa ni Albayalde, pinaigting na rin nila ang oplan sita at pagbabantay sa mga vital installation sa kalakhang Maynila.

Bukod dito aniya ay nakalatag na rin ang target hardening measures para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
DZXL558

Facebook Comments