National Center for Mental Health, gagamitin na rin sa COVID-19 patients

Inihahanda na ng pamahalaan ang dalawang pavilion ng National Center for Mental Health (NCMH) para magamit ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega na may isang libong bakanteng kama sa NCMH NA maaaring ipagamit sa mga mild at moderate cases.

Ayon kay Vega, sa ginawa nilang inspeksyon sa NCMH noong nakaraang Sabado ay nasa 500 kama lamang ang nagagamit dito ng mga pasyente.


Kaya nagdesisyon silang ilaan ang dalawang pavilion ng ospital para sa mga tatamaan ng COVID-19.

Sa isang pavilion ay kayang maglaman ng 200 to 250 COVID patients habang ang isang bahagi naman ay kayang pagdalahan ng nasa 700 pang mga pasyente.

Malaki aniya ang maitutulong nito sa harap ng pagsisikap ng pamahalaan na masigurong may mapupuntahan ang mga tatamaan ng virus.

Facebook Comments