National Commission of Senior Citizens, may hirit sa mga botante at tatakbo sa BSKE na senior citizen

May panawagan ang grupo ng mga senior citizen sa mga botante at tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections na mga senior citizen.

Sinabi ni National Commission of Senior Citizens, Chairperson Atty. Franklin M. Quijano, kailangan daw ay lumabas ang lahat ng senior citizen at bumoto bukas.

Tulad ng mga kabataan, malaki rin umano ang papel ng mga senior citizen sa halalan dahil base sa datos ng Commission on Elections (Comelec), may kabuuang 11.6 million na mga senior citizen ang inaasahang boboto bukas.


Sa mga tatakbo naman sa halalan na mga senior citizen, pinaalalahanan ni Quijano ang mga ito na maging aktibo ang mga ito sakaling sila ay palaring manalo.

Ito ay dahil ginagawa raw ng komisyon ang lahat para sa mga senior na makaboto.

Facebook Comments