National Commission on Muslim Filipinos, kumilos na para tuldukan ang pagsali ng mga kabataan sa violent extremism

Tututukan ngayon ng National Commission on Muslim Filipinos ang paglalatag ng programa kung paanong mailalayo ang mga kabataan sa matinding violent extremism sa Mindanao.

Ginawa ng NCMF ang anunsyo kasunod ng Joint Sulu Task Force na kagagawan ng suicide bomber ang nangyaring pagsabog sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral.

Ayon kay NCMF Secretary Saidamen Pangarungan, ang mag nangyaring pagsabog sa mga pook dalanginan ay may layunin na mas pag alabin ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano.


Aniya, hindi pinapahintulutan ng anumang relihiyon ang pagpatay o paghahatid ng pinsala sa kanilang kapwa.

Dahil dito, mas paiigtingin ng NCMF ang pagsasagawa ng mga seminar at massive education campaign sa Cebu, Zamboanga, Cotabato at National Capital Region upang ipaalala ang iniwang pinsala ng nangyaring pagkubkob ng teroristang ISIS sa Marawi.

Kabilang lamang ito sa walong aprroach o pamamaraan ng NCMF upang palakasin ang pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa gitna ng umiiral na kultura ng galit sa katimugang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga nakakasang aktibidad ay ang pagsasagawa ng mga interfaith at peace rally.

Facebook Comments