Bukas na ang National Complaint Center ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa Laging Handa public briefing sinabi ni COMELEC Spokesman Atty. John Rex Laudiangco na ito ay bahaging itinatag na kontra bigay committee ng ahensya.
Tatanggap aniya ang national complaint center ng mga reklamo ng vote buying at vote selling.
Paliwanag ni Laudiangco kabilang sa mga bumubuo sa komite ay Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Banko Sentral ng Pilipinas (BSP), Anti-Money Laundering Council (AMCL), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Justice (DOJ), National Prosecution Service at iba pa.
Mangangasiwa aniya ang komite na ito sa case builds up, preliminary investigation, prosekusyon ng kaso hanggang conviction.
Una nang sinabi ni Laudiangco na mayroon na silang inisyal na 65 mga reklamong natanggap, karamihan ay may kinalaman sa premature campaigning.
Dahil dito nagpadala na ang COMELEC ng show cause order sa mga kandidato sa barangay at sangguniang kabataan na nakitaan ng mga campaign paraphernalia kahit hindi pa panahon ng kampanya.