National convention sa PDP-Laban sa September 8, tuloy

Tuloy pa rin ang gagawing national convention ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na magaganap bukas, September 8.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na siyang nangunguna sa paksyon ng partido, pagbobotohan sa pagpupulong kung sino ang magiging opisyal na kinatawan ng grupo para sa 2022 national elections.

Isang liham naman ang ipinadala ni PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag sa media kung saan nakapaloob na nagbago ang venue ng national convetion na magaganap na sa San Fernando, Pampanga.


Matatandaang una nang tinanggihan naman ni Senator Bong Go ang pag-endorso sa kaniya bilang presidential candidate ng PDP-Laban dahil giit niya bagama’t ikinalulugod ang tiwalang ibinigay ng partido ay hindi siya interesado sa posisyon ng pagka-pangulo.

Facebook Comments