Very hands-on ang actor-host na si Paolo Ballesteros sa kanyang role bilang creative director sa kanyang kababayang kalahok sa Binibining Pilipinas 2020.
Sa katunayan, ang aktor mismo ang nag-disenyo ng Higantes-Inspired Costume na isinuot ni Binibining Pilipinas Rizal 2020, Honey Cartasano sa beauty pageant.
Nagpasalamat naman si Honey kay Paolo sa oportunidad na maipakita nito sa publiko ang isa sa pinagmamalaking pista ng lalawigan.
Umani naman papuri mula sa mga netizen ang national costume ng nasabing kandidata.
Facebook Comments