National Council on Disability Affairs, pinagbantaang tatanggalan ng pondo ni Senator Imee Marcos

Nagbanta si Senator Imee Marcos sa National Council on Disability Affairs (NCDA) na tatanggalan ito ng budget kasunod ng kabiguang makapagbigay ng simpleng datos katulad ng kabuuang bilang ng persons with disabilities (PWDs) sa bansa.

Sa pagdinig ng Senate panel on Social Justice, Welfare and Rural Development, ipinunto nito na may kakulangan ng consolidated list ng mga Filipino PWDS at ang kabiguan na makapagbigay ng maayos ng identification cards para sa mga miyembro ng naturang sektor.

Aniya, watak-watak ang listahan ng mga PWDs sa bansa kung saan yung iba nasa listahan ng 4Ps ng DSWD, listahan ng kumukuha ng health service na mula sa DOH at ang mga nag-aapply ng PWD ID sa iba’t-ibang LGU.


Dagdag pa ng mambabatas, 12 taon nang nag-ooperate ang NCDA pero tila wala pa ring nangyayari at hanggang ngayon ay wala pa ring kumpleto at accurate na national database para sa mga PWDs,

Batay sa pinakahuling census, nasa 1.44 million ang bilang PWD sa bansa ngunit lumalabas sa Philippine Registry for PWDs ng DOH, nasa 670,000 lamang ito.

Facebook Comments