Biyaheng Batangas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes para pangunahan ang limang aktibidad.
Unang daraan ang Pangulo sa Ground Zero, Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas para sa National Day of Mourning para sa mga biktima ng Bagyong Kristine.
Matatandaang idineklara ni PBBM ang November 4 bilang “National Day of Mourning” para sa mahigit 130 kataong nasawi at milyon-milyong naapektuhan ng bagyo, kung saan naka-half-mast ang lahat ng bandila ng Pilipinas mula sa pagsikat ng araw hanggang bago sumapit ang gabi.
Matapos nito ay mamamahagi naman ng tulong ang Pangulo sa mga mangingisda at magsasaka ng Talisay.
Mula sa Talisay ay didiretso si Pangulong Marcos sa Laurel, Batangas para inspeksyunin ang Bayuyungan Bridge.
Magkakaroon din ng turnover ng mga building material sa Laurel Municipal Gym.
Bago bumalik ng Maynila, mamamahagi rin ang Pangulo ng presidential assistance sa mga magsasaka at mangingisda ng Laurel.