National Day of Protest, matagumpay ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Itinuturing na matagumpay ng Palasyo ng Malacañang ang idineklarang National day of Protest ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa kahapon.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, naihayag ng mga nakilahok sa kani-Kanilang kilos protesta mapa anti o pro-administration ang kanilang mga hinaing at pangangailangan.

Patas aniyang naihayag ng publiko ang kanilang saloobin kahapon kasabay narin ng ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.


Sinabi ni Andanar na naging mapayapa ang mga pagtitipon ng dalawang panig na pagsunod narin sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing tahimik ang kanyang idineklarang National day of Protest.

Binati din naman ni Andanar ang media sa pagiging patas sa pagbabalita sa mga kaganapan kahapon.

Facebook Comments