Umarangkada na ang malawakang national day of protest ng libu-libong nurses sa bansa.
Ito ay bilang panawagan sa pamahlaaan para sa kanilang dagdag na sahod.
Mula sa Espana Blvd sa Maynila, nagmartsa ang mga miyembro ng Philippine Nurses Association at iba pang grupo ng mga nurse at medical professional sa bansa patungong kartilya ng Katipunan sa Maynila.
Ayon kay PNA President Erlinda Palaganas, hindi nila nagustuhan ang naging reaksyon ni Health Sec Francisco Duque III, sa naging ruling ng Supreme Court na nagsasabing ligal ang pagtataas sa salary grade 15 ng mga nurse sa bansa na dapat ay mahigit P30,000
Partikular ang sinabi ni Duque na hindi pa matatamasa ngayon ng mga nurse ang dagdag na benepisyo para sa salary grade 15.
Facebook Comments