Sa kauna unahang pagkakataon, nagdeklara ang Department Of Health ng national dengue alert.
Ito ayon kay Health Sec. Francisco Duque ay kasunod ng mahilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng dengue sa ilang rehiyon sa bansa.
Layon nitong maitaas ang antas ng kaalaman ng publiko kaugnay ng dengue at paanong makakaiwas dito.
Ayon kay Duque, kabilang sa mga rehiyon na lumagpas na sa epedemic threshold ay sa MIMAROPA, Western at Central Visayas at Northern Mindanao.
Sa datos ng DOH, nanguna sa listahan ng may pinakamataas na kaso ng dengue ang Western Visayas na may 13,164, sinundan ng Calabarzon na may 11, 474, Central Visayas na may 9,199, SOCKSARGEN 9, 107 at Northern Mindanao na may 8 739.
Samantala, patuloy namang minomonitor ng DOH ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Cordillera Administrative Region.
Ayon kay Duque, lumagpas na kasi sa alert threshold ang nga naitalang kaso ng dengue sa mga nasabing rehiyon.
Sa pinakahuling datos ng DOH aabot na umano sa 456 ang bilang ng nasawi dahil sa dengue ngayong taon.
Kaugnay nito, itinaas na ng DOH sa code blue alert ang sitwasyon sa mga nasabing lugar.
Patuloy parin ang paalala ng DOH sa 4s strategy kontra dengue o search and destroy ng mga pinangingitlugan ng lamok na may dalang dengue, self protection gaya ng panggamit ng insect repellant at pagsuot ng mahabang damit, seek early consultation o pagpapakonsulta sa manggagamot sa unang sintomas palang at say yes to fogging kung may outbreak ng dengue sa lugar.