“It is important that a national epidemic be declared in these area to identify where a localized response is needed, and to enable the local government units to use their quick response fund to address the epidemic situation,” saad ni Duque sa press conference kanina sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Hiniling ng DOH kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) Chief Delfin Lorenzana na magsagawa ng full-council meeting at ianunsyo ang nationwide outbreak sa mga apektadong lugar.
Mula Enero hanggang Hunyo 20 ng kasalukuyang taon, umabot na sa 146,062 katao ang tinamaan ng dengue. Halos doble ng kasong naitala noong parehong panahon ng nakaraang taon.
Batay sa huling datos ng DOH, mahigit 622 na ang nasawi dahil sa naturang karamdaman.
Itinalaga ni Lorenzana ang lahat ng kagawaran at ahensiya sa ilalim ng NDRMMC na tumutulong sa proseso at hakbang ng DOH kontra dengue.