National Disaster Consciousness Month exercise, isinagawa ng MMDA

Isinasagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang National Disaster Consciousness Month exercise alinsunod sa Executive Order (EO) No. 137, s. 1999 na kalaunan ay tinawag na National Disaster Resilience Month tuwing buwan ng Hulyo.

Ayon sa MMDA, ang nasabing EO ay naglalayong paigtingin ang katatagan ng mga Pilipino mula sa sakuna at kalamidad.

Paliwanag ng MMDA-Metropolitan Public Safety Office (MPSO), ang siyang nangangasiwa ng pagpapaigting ng disaster and emergency response efforts sa Metro Manila sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng pamahalaan.


Hinimok ng MMDA ang publiko na makiisa sa mga programa at aktibidad ng pamahalaan na ang layunin ay palakasin ang kahandaan ng publiko sa mga paparating na kalamidad at hakbang para sa epektibong pagtugon sa oras ng trahedya.

Facebook Comments