
Ipinag-utos ng National Electrification Administration o NEA sa mga electric cooperative o EC na magsumite ng status report kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Manay, Davao Oriental.
Ayon sa NEA Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD), mahalagang malaman nila ang kalagayan ng pasilidad ng mga EC dahil posibleng may mga maaapektuhang mga customers matapos tumama ang lindol.
Una nang iniulat ng Phivolcs na asahan ang mga aftershocks matapos tumama ang malakas na lindol sa baybayin ng Manay, Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs, asahan din ang pinsala sa istruktura dahil sa lakas ng lindol.
May lalim itong 23 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Facebook Comments










