National Fertilizer Program, isinusulong sa Kamara

Para matulungan ang mga magsasaka sa pagpaparami ng pananim at sa mahal na presyo ng mga abono o pataba ay inihain sa Kamara ang House Bill 10700 o “Dangal at Sigla ng Magsasaka sa Abono Pag-asa Act”.

Layunin ng panukala na maisabatas ang “National Fertilizer Program” at maglatag ng mekanismo para sa implementasyon nito na pakikinabangan ng husto ang mga magsasaka na apektado ng tumataas na halaga ng abono at ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa tinitiyak ng panukala ang “access” ng mga magsasaka sa mga pataba at matulungan sila na mapataas o maparami ang produksyon ng palay at iba pang produkto.


Isusulong din sa panukala ang mga locally-produced na mga abono o pataba na mataas ang kalidad pero abot-kaya ang presyo.

Higit sa lahat, mayroon ding “fertilizer subsidy” para sa mga kwalipikadong magsasaka, lalo na sa panahong mataas ang presyo ng abono sa merkado.

Aabot naman sa ₱20 billion ang panukalang pondo para sa implementasyon nito.

Facebook Comments