National Festival of Talents 2020, Aarangkada na sa Siyudad ng Ilagan

*Cauayan City, Isabela*- Aabot sa mahigit 3,000 na delegado mula sa 17 regions sa buong bansa ang inaasahang makikibahagi sa pagdaraos ng 2020 National Festival of Talents (NFOT) na may temang *“Authentic Filipino Talents and Skills: Breaking the Barriers for Inclusive Education” *sa darating na February 17-21, 2020.

Ayon kay City Information Officer Paul Bacungan ng Ilagan City, masasaksihan sa nasabing aktibidad ang 41 packages na ipapamalas ng mga lalahok na delegado.

Tiniyak naman ng Lokal na Pamahalaan ng Ilagan ang maayos na seguridad ng mga delegado mula sa 17 regions sa bansa.


Ang National Festival of Talents (NFOT) ay para ipamalas ng mga mag aaral maging ang mga Alternative Learning System para ipamalas ang talent sa pamamagitan ng kanilang produktoo, services at performances.

Nakasentro din ang aktibidad sa language, arts, social studies at technology and livelihood education.

Inaasahan naman na ang pagdaraos ng aktibidad sa siyudad ay mas lalong mapag iibayo ang turismo sa lungsod.

Facebook Comments