National Food Authority, may bagong administrator

Pormal nang mauupo sa kaniyang pwesto ngayong araw bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) si Administrator Roderico Rayo Bioco.

Si Bioco ay isa sa mga bagong talagang pinuno ng NFA kapalit ng dating administrator na si Judy Carol Dansal.

Una nang nanumpa sa pwesto si Bioco kay Executive Secretary Lucas Bersamin noong nakalipas na araw.


Ang pagkaka-appoint kay Bioco ay nataon sa anunsyo ng ilang grupo sa sektor ng Agrikultura na nakaamba ang posibilidad na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan sa susunod na mga araw.

Facebook Comments