Manila, Philippines – Hiniling ni Akbayan Rep. Ron Salo na ilipat sa Davao City ang mga pangunahing tanggapan ng pamahalaan.
Sa House Bill 6968 na inihain ng kongresista ay magtatatag ng National Government Center sa Davao City.
Ito ang magiging bagong lokasyon ng mga sumusunod na tanggapan ng pamahalaan; ang palasyo ng Malacañang, Office of the Vice President, Senado, Kamara de Representantes, Korte Suprema, Constitutional Offices at National offices ng mga ahensya ng gobyerno.
Layunin ng panukala na maiparanas at mailipat sa mga probinsya ang development partikular na sa Mindanao.
Bukod dito, layon din na mapalakas ang nationalism at maipadama sa mga nasa malalayong lugar ang “sense of belongingness” kung ililipat sa labas ng Metro Manila ang mga tanggapan ng pamahalaan.
Higit pa dito ay nais ding ma-decongest ang Metro Manila at maibalik ang nawawalang kita sa NCR dahil sa matinding trapiko.
Pinag-gayahan ng panukala na ito ay tulad sa Amerika at China na kung saan hiwalay na lugar ang kanilang political capital at financial capital.