National government, dapat paigtingin ang coordination nito sa PH Red Cross para tulungan ang vulnerable sectors – Sen. Gordon

Nanawagan ang Philippine Red Cross (PRC) sa pamahalaan na paigtingin ang coordination nito sa kanila para matiyak na naibibigay ang kinakailangang tulong sa vulnerable sectors.

Ito ang pahayag ng PRC kasabay ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at mga kalapit na probinsya.

Ayon kay PRC Chairperson at Chief Executive Officer Richard Gordon, maaaring magtulungan ang gobyerno at Red Cross para mapigilan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.


Iginiit ni Gordon na dapat inasahan na ng pamahalaan ang pagkakaroon ng “second wave” at nagpatupad agad ng preventive measures para Dito, kabilang ang pinaigting na testing.

Mahalaga ring mayroong coordination sa mga pribadong ospital para sa isolation at treatment ng suspected at confirmed COVID-19 cases.

Facebook Comments