National Government Procurement Law, isang malaking reporma laban sa korapsyon –DBM

Isang malaking reporma sa anti-graft and corruption ang pagsasabatas ng National Government Procurement Act.

Sa Post State of the Nation Address o SONA briefing, kasama kasi sa naturang batas ang early procurement method kung kaya’t sa oras na maipasa na nila ang National Expenditure Program sa Senado at Kongreso, pwede na agad mag-bid out ng proyekto ang ahensya ng mga gobyerno kung kaya’t maiimplementa na nila ang kanilang mga proyekto sa susunod na taon.

Gagamit rin ng “add to cart” system tulad ng sistema sa Lazada at Shopee para sa common use supplies.


Ayon pa kay Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman, hindi lang makakatipid ang pamahalaan sa new mode ng procurement, kundi makakapili rin sila ng magandang kalidad ng produkto at serbisyo.

Facebook Comments