Umabot sa 455 billion pesos ang spending ng national government nitong nagdaang Nobyembre.
Mas mataas ito ng 10.24% o nasa 42.3 bilyong piso noong 2021 para sa kaparehong buwan.
Ang mas mabilis na paggamit ng national government sa budget ay napunta sa capital outlay projects ng Department of Public Works and Highways o DPWH.
Napunta rin sa gugulin ng pamahalaan para sa pagbibigay o pay outs na may kinalaman sa social protection programs ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Kasama rin sa ginawang paggamit ng gobyerno sa budget ang pagpapalabas ng year-end bonus at cash gift para sa mga kawani ng pamahalaan at ang national tax allotment para sa mga nasa lokal na pamahalaan.
Facebook Comments