National government, walang kinalaman sa kanselasyon ng peace rally ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Bustos, Bulacan

Iginiit ni House Assistant Majority Leader at Zambales First District Representative Jefferson Khonghun na walang kinalaman ang national government sa kanselasyon ng planong peace rally ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Bustos, Bulacan.

Pahayag ito ni Konghun makaraang sabihin ng dating executive secretary ni Pangulong Bongbong Marcos na si Vic Rodriguez na may “pressure” umano sa pamahalaan kaya nagpasya si Duterte na huwag nang ituloy ang pagtitipon upang maiwasan ang gulo at walang masaktan.

Para kay Konghun, unfair kay Pangulong Marcos ang naturang paratang dahil hindi naman nito gawain ang panggigipit at kahit noong panahon ng kampanya ay hinahayaan niya lang ang kapwa kandidato na batikusin siya.


Binanggit pa ni Konghun na hindi rin nagpapa-apekto si PBBM sa hindi pagkaka-unawaan nina Vice President Sara Duterte at misis na si First Lady Liza Marcos.

Diin pa ni Konghun, paulit-ulit ang panawagang pagkakaisa ni Pangulong Marcos upang makamit ang adhikain natin lahat.

Bonsud nito ay hinikayat ni Konghun ang mga taga-suporta ng dating Pangulong Duterte na itigil na ang paninira sa pamahalaan.

Facebook Comments