Ginunita kahapon, Lunes, ng mga Pangasinense ang National Heroes Day sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa mga bantayog ng mga bayani sa Calasiao at Dagupan City.
Sa Calasiao, pinangunahan ng mga lokal na opisyal ang maikling seremonya ng pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bayaning monumento bilang pagkilala sa sakripisyo at kabayanihan ng mga Pilipino na lumaban para sa kalayaan ng bansa.
Samantala, sa Dagupan City, nagsagawa rin ng wreath-laying ceremony sa harap ng mga kilalang bantayog, dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan, kinatawan ng mga paaralan, at ilang civic organizations.
Layunin ng pagdiriwang na ipaalala sa publiko ang kahalagahan ng mga bayaning Pilipino at ang kanilang mahalagang ambag sa kasaysayan ng bansa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









