NATIONAL HEROES DAY | Nationwide mass protest, ikakasa ng iba’t-ibang labor groups; Pay rules ngayong holiday, ipinaalala ng DOLE

Manila, Philippines – Daan-daang manggagawa ang magsasagawa ng kilos protesta para igiit ang umento sa sahod at magkaroon na maayos na trabaho.

Ito ay kasabay ng paggunita ng National Heroes Day ngayong araw, August 27.

Ayon kay Kilusang Mayo Uno Chairperson Elmer Labog, iba’t-ibang labor groups ang magkakasa ng nationwide mass actions para manawagan sa gobyerno na tugunan ang mga pangangailangan.


Kasabay nito, paalala naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga manggagawang papasok ngayong araw ay makatatanggap ng ‘double-pay’.

Sa abiso ng DOLE, ang mga magtatrabaho sa isang regular holiday ay babayaran ng 200% mula sa regular pay ng manggagawa sa unang walong oras.

Ang mga hihigit sa walong oras ay may dagdag na 30% na hourly rate.

Facebook Comments