National Historical Commission of the Philippines, may panawagan hinggil sa pagrespeto sa watawat ng Pilipinas

Muling nagpaalala ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na irespeto sana ng bawat isa ang watawat ng Pilipinas.

Giit ng NHCP, ipinagbabawal ang paglalagay ng marka, disenyo, salita, larawan, drawing at anumang imprint sa watawat ng Pilipinas.

Ang pahayag ng NHCP ay kasunod ng makita ang Philippine flag na nilagyan ng imahe ng agila ng ilang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Australia.


Ayon sa NHCP, labag sa batas ang naturang hakbang kung saan ipinagbabawal ito sa ilalim ng Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Muling panawagan ng NHCP na ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng pagka-Pilipino at ng bansa kung saan huwag na sana itong gayahin pa.

Facebook Comments