Handang tumulong ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa rehabilitasyon ng mga nasirang historic sites.
Ito’y matapos ang naganap na lindol na naranasan sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon kay Dr. Rene Escalante na siyang chairman ng NHCP, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang lokal na pamahalaan at mga may-ari ng cultural property upang maiayos agad ang mga nasirang makasayasayang lugar at mga istraktura.
Sinabi ni Escalante na karamihan sa mga nasira ay mga idineklarang National Historical Landmarks at Important Cultural Properties.
Aniya, protektado ang mga ito ng Heritage Law na ipinapatupad sa bansa.
Dagdag pa ni Escalante, bibigyang daan muna nila ang mga isinasagawang relief operation at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan ng lindol.
Sa ngayon, nakikipag-pulong na ang NHCP sa National Commission for Culture and the Arts para sa mga planong rehabilitasyon.