Manila, Philippines – Naratipikahan na rin ng Kamara ang Philippine Identification System Act o mas kilala sa National ID System.
Sa ilalim ng National ID system, ay magiging isa na lamang ang identification card ng lahat ng mga Pilipino sa buong bansa.
Nakapaloob dito ang buong pangalan, kasarian, blood type, petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, status, address at litrato.
Maitatala naman sa PhilSys Registry ang mga personal na impormasyong ito para sa database ng gobyerno gayundin ang mobile number, email address, biometric data tulad ng full set ng fingerprints at iris scan.
Ang bawat mamamayan kasama pati ang mga dayuhang dito na naninirahan ay kailangang magparehistro ng personal sa accredited registration centers.
Inaasahang agad na ipapadala ito sa Malakanyang para sa pirma ni Pangulong Duterte para maging ganap ng batas.