National ID Authentication Services, sinimulan na sa LandBank ng PSA

Pinasimulan ng Philippine Statistics Authority o PSA ang paggamit ng National ID authentication services sa Land Bank of the Philippines o LandBank East Avenue Branch sa Quezon City.

Ayon kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General nilalayon nito na ipakita ang praktikal na aplikasyon ng National ID sa loob ng sektor ng pananalapi, partikular sa mga sitwasyon sa pagbabangko.

Paliwanag pa ni Mapa na kabilang dito ang pag-verify ng mga identity ng mga kliyente na nagbubukas ng mga account, pag-encash ng mga tseke at pagwi-withdraw gamit ang National ID at registered information sa registry tulad ng biometrics.


Dagdag pa ni Mapa, National Statistician at Civil Registrar General,bukod sa financial institutions tulad ng LandBank, ginagamit din ang National ID Authentication Services sa iba pang mga establisyemento.

Facebook Comments