National ID, inaasahang magpapadali sa voter registration sa mga susunod na taon – NAMFREL

Umaasa ang NAMFREL o National Citizens’ Movement for Free Elections na magagamit na ang national identification card para hindi na pumila pa ang mga tao para sa voter registration sa mga susunod na taon.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni NAMFREL Secretary General Eric Jude Alvia na magiging madali naman ito lalo na’t nasa gobyerno na ang mga kinakailangang impormasyon sa isang indibidwal.

Iginiit pa ni Alvia na marami sanang solusyon para hindi na paulit-ulit ang problemang hinaharap ng COMELEC tuwing malapit na ang eleksyon kagaya ng paglipat ng lugar kung saan nakarehistro.


Ito rin kasi aniya ang isa sa nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon pa rin ng mga flying voter tuwing eleksyon.

Facebook Comments