National ID System, binuksan ng PSA sa Parañaque City

Inihayag ng pamunuan ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mahigit 170 ang unang isasalang sa pagpatatala ngayong araw sa pagbubukas sa ika-limang registration site nito sa SM Sucat Paranaque City para sa National ID System.

Napag-alaman na target ng PSA na makapagrehistro ng 150 hanggang 200 katao para sa National ID.

Kasama rin sa mga binuksan na registration site ng PSA sa Parañaque ay sa SM BF Homes at SM Bicutan, bukod pa sa nauna nang pasilidad na binuksan sa Ayala Malls at city hall ng lungsod.


Facebook Comments