National ID System, pasado na sa Kamara

Manila, Philippines – Pasado na sa Kamara ang panukalang National ID System.

Sa ilalim ng house bill 6221, magkakaroon ng national identification database sa bansa.

Ayon kay Rep. Sol Aragones, principal sponsor ng bill – na layong mapadali ang pakikipagtransaksyon ng mga Pilipino lalo na sa mga government offices.


Dagdag pa ni Aragones – mayroon itong mga security features para masigurong ligtas ang mga personal data.

Nasa dalawang bilyong piso ang ilalaang budget para rito.

Base sa panukala, ang mga Pilipinong may edad 18-anyos pataas ay kinakailangang magrehistro ng kanyang mga personal data at mag-aplay ng card.

Kasama na sa card ang mga mahahalagang impormasyon.

Panghabambuhay na rin ang validity ng ID na ito at libre itong makukuha sa unang kuha habang may bayad na sakaling mawala o mag-request ng panibago.

Facebook Comments