National ID system, suportado pero hindi prayoridad ng Pangulo

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na kahit bukas si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng National ID System ay hindi naman ito kasama sa mga prayoridad ng pamahalaan.

Ilang beses na kasi ito naipanukala sa Kongreso pero hindi naman ito nakapapasa dahil sa pagkontra ng ilang sector lalo na ng mga makakaliwang grupo.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi ito kasama sa mga priority bills na isinusulong ng Administrasyon sa Kongreso.


Sinasabi na ang pagkakaroon ng National ID System ay ang solusyon sa maraming problema ng bansa pati na ang paglaban sa terorismo at iba pang krimen.

Inokontra naman ito ng ilang sector dahil ito anila ay lumalabag sa right to privacy ng mga Pilipino.

Facebook Comments