Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na maging bayani sa sarili nilang paraan.
Sa obserbasyon ng National Heroes Day sa Libingan ng mga Bayani, hinikayat ng Pangulo ang lahat na ipaglaban ang demokrasya, sumunod sa rule of law, at ipagtanggol ang soberanya.
Ayon sa Pangulo, importante aniyang pahalagahan ang kasaysayan at ipasa ito sa kabataan upang manaig sa kanila ang pagmamahal sa bayan.
Ang kagitingan aniya ang tanging susi para mapangalagaan ang national identity ng bansa.
Dagdag pa ng Pangulo, nararapat lang na bigyang pugay ang ating mga bayani at ninunong nakipaglaban para ipagtanggol ang ating lupa, kalayaan, at dignidad.
Facebook Comments