National integrated cancer control act, isa nang ganap na batas

Manila, Philippines – Nilagdaan n ani Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act number 11215 o An Act Institutionalizing a National Integrated Cancer Control Program and Appropriating Funds Therefor o kikilalanin bilang National Integrated Cancer Control Act.

Layon ng nasabing batas na magkaroon ng isang komprehensibong pamamaraan para sa health development kung saan kabilang ang pagpapalakas ng integrative, multidisciplinary, patient at family centered cancer control policies programs, systems, at services sa lahat ng antas ng health care delivery.

Binubuo ng batas ang National Integrated Cancer Control Center Program na siyang magsisilbing framework sa lahat ng cancer related activities ng Pamahalaan.


Layon ng programang ito ay mapababa ang bilang ng mga namamatay sa sakit na Cancer, mapababa ang bilang ng nagkakaroon ng preventable cancer, mapigilan ang pagbalik ng cancer sa mga survivors, pagbibigay ng timely access sa optimal treatment sa mga may sakit na cancer, gawing mas mura ang pagpapagamot ng mga may sakit na cancer, at tanggalin ang maraming problema na nararanasan ng mga may cancer, survivor nito at maging ng kanilang mga pamilya.

Binbuo din nito ang national Integrated Cancer Control Council na pangungunahan ng kalihim ng Department of Health, at magiging miyembro naman ang mga kalihim ng Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, Department of Interior and Local Government, President and CEO ng Philippine Health Insurance Corporation at Director General ng Food and Drugs Administration.

Facebook Comments