National Intelligence Coordinating Agency, walang natatanggap na impormasyon tungkol sa dating PNP chief na nasa payola ni Alice Guo

Iginiit ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na wala silang natatanggap na impormasyon patungkol sa dating PNP chief na kasama sa payola ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Matapos ang pagdinig para sa budget ng ahensya ay sinabi ni NICA Director General Ricardo de Leon na wala silang namomonitor kung sino ang binabanggit ni dating Intelligence Services Armed Forces of the Philippines (ISAFP) commander at ngayo’y Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Senior Vice President Ret. Gen. Raul Villanueva.

Ayon kay De Leon, ayaw niya munang magkomento tungkol dito dahil kukunin pa nila ang naturang impormasyon kay Villanueva.


Aniya pa, hindi niya rin malaman kung sino sa intelligence community ang pinaguusapan na dating PNP chief na sinusuhulan ni Guo.

Ngayon aniya kung may matanggap man silang impormasyong ay maingat sila sa NICA sa paglalabas ng detalye at kailangan munang sumailalim ito sa validation.

Facebook Comments