National Interest sa West Philippine Sea, po-protektahan ng gobyerno – Speaker Romualdez

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibigay-proteksyon ng gobyerno sa national interest sa West Philippine Sea (WPS).

Ang pahayag ng speaker ay kasunod ng mensahe ni Japan Prime Minister Kishida Fumio sa Kongreso na seryoso ang Japan bilang partner ng Pilipinas pagdating sa mga isyu ng security at defense cooperation.

Ayon kay Romualdez, ang pahayag ni Kishida ay patunay na ang Japan ay maasahan, masigasig at matatag na katuwang ng bansa sa pangangalaga ng internasyunal na kaayusan.


Sinabi pa ni Romualdez, na kasama ng mga nagkakaisang-nasyon tulad ng Estados Unidos ay umaasa siyang mas magiging matibay pa ang kooperasyon sa pagitan ng Japan.

Nagpasalamat din ang Speaker sa Prime Minister sa kagandahang-loob at pagiging tunay na kaibigan ng Japan kasunod ng anunsyo ni Kishida na magdo-donate ito ng 12 barko sa Philippine Coast Guard (PCG) at warning and control radar sa Philippine Air Force (PAF).

Kasabay nito ay tiniyak ni Romualdez ang pagbibigay-suporta ng Kamara sa Coast Guard, Navy at Armed Forces ng bansa upang mapagtibay ng husto ang karapatan ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group.

Facebook Comments