National Irrigation Administration, may bago ng pinuno

90

Itinalaga na bilang bagong administrator ng National Irrigation Administration si retired Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Ricardo Visaya.

 

Ang pagtatalaga kay Visaya ay kinumpirma ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol matapos ang cabinet meeting kahapon kasunod na rin ng pagbibitiw sa pwesto si dating NIA Administrator Peter Laviña.

 

Sinabi ni Piñol na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-anunsyo na si Visaya na ang bagong pinuno ng NIA.

 

Personal choice umano ni Duterte si Visaya para sa pwesto.

 

Magugunitang nagbitiw si Laviña sa pwesto matapos ang mga balitang sangkot ito sa korapsyon sa ahensya.

Facebook Comments