National Kidney and Transplant Institute, naghahanap na ng dagdag na doktor para sa COVID-19 patients

62

Naghahanap na rin ng mga dagdag na doktor para sa COVID-19 patients ang National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.


Sa isang advisory, hinihimok ng NKTI ang mga doktor na dalubhasa sa Internal Medicine na maging bahagi ng kanilang medical team workforce.

Sa ngayon, hindi sapat ang bilang ng mga doktor na mangangalaga sa tinatawag nilang ‘COVID-19 Hot Zones’ sa hospital tulad ng COVID wards, IMCU (ICU) at emergency room.

Sinumang doktor na qualified sa posisyon ay bibigyan ng item na Medical Specialist III at makatatanggap ng sahod na P75,000 kada buwan.

Sa lahat ng mga interesado, maaari silang tumawag sa telepono bilang 89810300 local 3117 at hanapin si Dr. Lynn Bonifacio o sa local 1005 at hanapin naman si Dr. Joselito Chavez para sa iba pang karagdagang detalye.

Facebook Comments