National Kidney Transplant Institute, nagtalaga ng ‘fast lane’ para sa mga tinamaan ng sakit na leptospirosis

Manila, Philippines – Nagtalaga na ang National Kidney Transplant Institute (NKTI) ng “fast lane” para agad nilang matugunan ang mga nakararanas ng leptospirosis.

Ayon kay NKTI Director Dr. Rosemarie Liquette, ito ay para makaagapay rin sa lumulobong bilang ng isinusugod sa nasabing ospital bunsod ng leptospirosis.

Sa pinakahuling tala ng NKTI mula noong Hunyo 9, umabot na sa 61 ang kaso ng leptospirosis kung saan siyam rito ang nasawi.


Naitala naman sa Caraga ang pinakamataas na bilang ng nagkasakit ng leptospirosis sa bansa.

Kasabay nito, tiniyak ni health doh sec. Francisco duque iii, na walang kailangang alalahanin na gastos sa doh hospitals.

Nagpaalala rin ang doh na magdoble-ingat kung susuong sa baha.

Facebook Comments